Abiso sa mga motorista!
Asahan na muli ang panibagong malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Oil industry player na Unioil, posibleng pumalo sa P3.00 hanggang P3.20 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.
P3.90 hanggang P4.10 ang inaasahang taas sa kada litro ng diesel.
Matatandaang una nang inihayag ng Department of Energy na sisipang muli ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa.