Abiso sa mga motorista!
Asahan muli ang panibagong taas-presyo sa kada litro ng produktong petrolyo na ipapatupad sa susunod na linggo.
Ayon sa mga kompanya ng langis, P3.80 hanggang P4 kada litro inaasahang ang dagdag sa presyo ng diesel.
Habang papalo naman sa P4.70 hanggang P4.90 ang taas-presyo sa gasolina.
Paliwanag ng ilang nasa industriya ng langis, bigo pa rin sila sa pagtiyak ng suplay bunsod pa rin ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.