Matapos ang big time rollback noong nakaraang linggo ay muling magtataas ang presyo ng produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis ngayong araw.
Sa magkakahiwalay na advisories mula sa Cleanfuel, Petro Gazz at SeaOil magtataas ang presyo ng gasolina ng P3.40 kada litro habang P8.65 naman sa diesel.
Base sa latest oil monitor ng Department of Energy, nagresulta ito sa year to date adjustments na may net increase na P14.90 kada litro ng gasolina, P19.20 sa kada litro ng diesel at P16.35 naman para sa kerosene.
Magugunita na ang oil price adjustment ay kasunod ng una at natatanging pagkakataon na nagbaba ng presyo ang mga kompaniya ng langis ngayong taon noong Marso a-22. —sa panulat ni Mara Valle