Asahan na muli ang pagtaas ng presyo ng tinapay sa mga susunod na araw.
Ito ang ibinabala ng ekonomistang si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa gitna ng walang prenong pagtaas ng presyo ng oil products at nagpapatuloy na bakbakan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Salceda, nagkakaroon ng domino effect ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa kung saan ang una ay sa presyo ng langis, pangunahing bilihin, agricultural products at ngayon ay sa presyo ng tinapay.
Inihalimbawa ng kongresista mula Albay ang naka-ambang 2 pesos at 30 centavos na dagdag-presyo sa ‘pinoy tasty’ loaf bread.
Aminado si Salceda na kung tatagal pa ang tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia ay mas maraming Pinoy pa ang magugutom.
Para anya hindi lubos na maapektuhan sa suplay sa paggawa ng tinapay, dapat nang simulang mag-angkat ng Pilipinas ng alternatibong mapagkukunan tulad sa Canada at US.