Asahan na bukas ang panibagong oil price increase dahil pa rin sa manipis na supply sa world market.
Ayon sa mga taga-oil industry, maglalaro sa P1.30 hanggang P1.30 ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
P1.30 hanggang P1.50 naman sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ito na ang magiging ika-7 sunod na linggong maglalarga ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.
Samantala, pag-uusapan naman ng Department Of Energy at mga oil companies ang posible nilang maging tulong sa mga apektadong motorista lalo na sa mga public utility driver.—sa panulat ni Drew Nacino