Inako na ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang terror attack sa Paris, France na ikinasawi ng isang (1) pulis at ikinasugat ng dalawang (2) iba pa.
Pinangalanan ng ISIS ang umatake na si Abu Yousif Al-Belgeki na napatay din sa follow-up operation ng mga awtoridad.
Lumalabas sa imbestigasyon na pinaputukan ng naturang suspek ang isang police patrol bago ito nagtangkang tumakas.
Nangyari ang insidente sa pamosong Champs Elysees Avenue sa gitna ng opisyal na pagtatapos ng presidential campaign para sa gaganaping eleksyon sa Linggo.
By Drew Nacino | Ralph Obina
Panibagong terror attack sa Paris France inako ng ISIS was last modified: April 21st, 2017 by DWIZ 882