Muling magkakasa ng tigil-pasada ang grupo ng mga tsuper at jeepney operator sa Lunes, Marso 19 upang tutulan pa rin ang modernization program ng pamahalaan.
Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) President George San Mateo, nagbabalat-kayo lamang na modernisasyon ang nasabing program at talagang pagpi-phase out ito ng mahigit isandaang libo hanggang dalawang daang libong jeep sa bansa.
Sinabi naman ni San Mateo na kulang ang pondo ng pamahalaan para sa modernisasyon kung saan aabot lamang sa tatlong bilyong piso at hindi mapupunuan ang nasa isang daan at walumpong libong (180,000) mga authorized jeepney sa bansa.
Samantala, magiging sentro naman aniya ng kanilang aktibidad sa metro Manila ang Cubao at Novaliches sa Quezon City, Anda Circle sa Maynila, Monumento sa Caloocan City at Alabang sa Muntinlupa.
Dagdag pa ni San Mateo, posible rin aniyang magkaroon ng tigil-pasada sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Batangas.
—-