Muling nagbanta ng panibagong tigil pasada ang grupong PISTON o Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide.
Ayon iyan kay PISTON President George San Mateo kasunod ng pag-arangkada ng jeepney phaseout ng DOTr o Department of Transporation sa pagpasok ng susunod na taon.
Giit ni San Mateo, maraming tsuper aniya ang tila nanaisin na lamang maging kriminal dahil malinaw na pinagkakaitan sila ng pamahalaan na mabuhay ng marangal.
Hindi aniya sila titigil sa katitigil pasada hangga’t hindi inihihinto ng pamahalaan ang plano nito na i-modernize ang mga pampublikong sasakyan dahil hindi ito ang tunay na solusyon sa mga problema sa sektor ng transporasyon sa bansa.