Magpapatupad ang Quezon City Department of Public Order and Safety ng bagong traffic management scheme at re-rerouting plan sa Barangay South Triangle na naglalayong pagaanin ang trapiko sa kahabaan ng Quezon Avenue hanggang Welcome Rotonda.
Ayon kay Elmo San Diego, hepe ng QC-DPOS, nakatakda nilang ipatupad ang bagong traffic management scheme sa Setyembre a-Kinse.
Ipinabatid ni San Diego na bahagi ng bagong traffic scheme ay ang pagpapasara sa mga u-turn slots sa kahabaan ng Quezon avenue mula West Avenue intersection hanggang EDSA at pagbubukas ng intersection sa Quezon Avenue kanto ng Scout Borromeo at West 4th.
Aniya, kasama rin dito ang implementasyon ng two-phase traffic signal system sa Quezon Avenue-examiner/Scout Albano streets.
Nilinaw ni San Diego na ang naturang hakbang ay experimental pa lamang at kung maganda ang kalalabasan, plano nilang isama sa nasabing traffic scheme ang iba pang barangay tulad ng Paligsahan, Roxas, laging handa, Kamuning at E. Rodriguez.
By: Meann Tanbio