Muling magsasagawa ang transport group na PISTON ng dalawang araw ng tigil pasada ngayong linggo.
Ikakasa ng naturang grupo ang nationwide transport strike sa huwebes at biyernes, bilang pagtutol sa December 31 deadline ng Public Utility Vehicle Consolidation.
Lalahok sa nabanggit na kilos-protesta ang mga kaalyadong grupo ng PISTON sa Central Luzon at Southern Tagalog, at Kilusang Mayo Uno.
Matatandaang binigyan ng gobyerno ang mga jeepney operator hanggang December 31 upang magpatala sa P-U-V consolidation. – sa panulat ni Charles Laureta