May naka-umang na namang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis ngayong linggong ito.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa kuwarenta hanggang singkuwenta sentimos ang inaasahang pagtaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Trenta hanggang kuwarenta sentimos naman ang posibleng itaas ng presyo sa kada litro ng gasolina habang mas malaki naman ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng kerosene na maglalaro sa animnapu hanggang pitumpung sentimos kada litro.
Ito na ang ikalawang linggo ngayong hulyo na nagtaas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bunsod ng pagmahal ng presyo nito sa world market.