Ibinabala ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang panibagong klase ng droga na nakatakdang ipakalat ng mga sindikato.
Ito’y bunsod ng pagbaba ng suplay at pagtaas ng presyo ng shabu dahil sa masidhing kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, tinatangka nang ipasok sa bansa ng mga sindikato ng droga ang isang uri ng coccaine na hinaluan ng dinurog na salamin o bubog o kaya’y puting buhangin.
Lubha aniya itong delikado at maaaring magresulta sa kamatayan dahil sa bubog na isa sa mga inihahalong sangkap dito.
Gayunman, naniniwala si Dela Rosa na hindi ibebenta sa Pilipinas ang cocaine na nasabat kamakailan dahil sa mababang demand nito sa bansa.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)