Nadetect ang kauna-unahang panibagong variant ng COVID-19 sa Petah Tikva, Israel nito lamang Enero a-1.
Ang panibagong impeksiyon ng COVID-19 ay tinatawag na “Florona Variant” na pinagsamang Corona Virus Disease at Influenza na umaatake sa ating respiratory system kabilang na ang ilong, lalamunan at baga.
Natukoy ang nasabing variant sa isang buntis na nanganak sa Rabin Medical Center sa nasabing lugar at nakakaranas ng nabanggit na sakit pero hindi nagpakita ng sintomas.
Sa ngayon, kasalukuyang sinusuri ng Health Ministry ng Israel ang kaso ng impeksyon dahil posibleng may iba pang nahawahan ng Florona Variant ang naturang pasyente.
Ayon sa World Health Organization, ang pagbabakuna ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang ibat-ibang uri ng impeksyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero