Ikinakasa na ng Kamara ang pagdinig para sa isinusulong na panibagong dagdag sahod.
Ayon kay House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, prayoridad ng kumite na agad talakayin ang mga panukala para sa wage hike.
ito’y sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin kasabay ng inilabas na survey ng Pulse Asia na nagsasabing 45% ng mga pinoy ang nanawagan ng taas sahod.
Sa ngayon anya ay naghahanda na silang makipag-usap sa stakeholders at pagkaraan nito ay itatakda ang pagdinig sa hirit na wage increase.
Humingi naman ng pang-unawa ang kongresista sa mga manggagawa dahil magiging mahaba ang diskusyon sa national minimum wage.