Epektibo na simula sa Huwebes, Hunyo 2 ang wage increase para sa mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila.
Alinsunod sa bagong daily minimum wage rates ng National Wages and Productivity Commission sa National Capital Region, karagdagang 10 pesos na cost of living allowance kada araw ang matatanggap ng mga manggagawa sa kanilang basic pay.
Saklaw nito ang mga nasa non-agriculture sector kabilang ang private hospitals na may bed capacity na hindi aabot sa 100.
Dahil dito, nasa 491 pesos na ang arawang sahod ng mga nagtatrabaho sa naturang sektor sa Metro Manila mula sa dating 481 pesos.
Karagdagang 10 pesos din o 454 pesos mula sa dating daily wage na 444 pesos ang matatanggap ng mga nasa agriculture; retail o service establishments at manufacturing establishment.
By Drew Nacino