Nanganganib maranasan ang panibagong water crisis sa Metro Manila kung wala pa ring ulan hanggang Hulyo.
Ito ang pangamba ng Maynilad sa gitna ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan na pangunahing pinagkukunan ng supply ng Metro Manila.
Ayon kay Maynilad President at Chief Executive Officer Ramoncito Fernandez, dahil dito ay posibleng sumadsad sa 160 meters ang water level sa Angat.
Sa kabila nito ay patuloy anya ang kanilang paglalatag ng contingency measures kabilang ang activation ng mga deep well habang suportado rin nila ang hakbang ng gobyerno na i-develop ang Kaliwa Dam bilang bagong water source.