Kasado na ang isasagawang kilos protesta bilang pagkontra pa rin sa biglaang paghihimlay kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Kasabay ito ng paggunita ng buong mundo sa international human rights day sa susunod na Sabado, Disyembre 10 ng taong kasalukuyan
Kasunod nito, nanawagan ang grupong Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacañang o CARMMA sa mga kabataan na lumahok sa nasabing pagkilos upang itaguyod ang kahalagahan ng kasaysayan at katarungan
Sabayang gagawin ang nasabing pagtitipon sa Luneta Park sa Maynila gayundin sa People Power Monument panulukan ng EDSA at White Plains sa Quezon City
By: Jaymark Dagala