Sumiklab na ang panibagong yugto ng digmaan sa Syria.
Ito’y makaraang maglunsad ng pag-atake ang Turkey laban sa mga Syrian-Kurdish militia sa bayan ng Afrin, Syria na nasa boundary ng dalawang bansa.
Ayon kay Turkish Defence Minister Nurettin Canikli, bagaman walang sundalong turko na tumatawid sa border, sinimulan ang pag-atake sa pamamagitan ng artilery shelling.
70 mortar shell ang bumagsak sa mga kurdish village sa Syria simula kahapon hanggang kanina.
Samantala, inaasahang maglulunsad din ng retaliatory attack ang Syrian army anumang oras.