Dapat bantayang mabuti ng pamahalaan si Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari.
Ito’y ayon kay Senadora Leila de Lima ay dahil sa posible pa ring maulit ang ginawang pag-aalsa ni Misuari sa Zamboanga nuong 2013 kung saan, maraming buhay ang nalagas at marami rin ang nawalan ng tahanan.
Gayunman, sinabi ni De Lima na nasa kamay na ng Pangulo ang pagpapasya sa mga dapat gawin agad upang makamit na ang pangmatagalang kapayapaan sa mga rebeldeng grupo.
Ngunit binigyang diin ni De Lima na sa kabila ng mga magagandang hakbang na ito tungo sa kapayapaan, dapat pa ring papanagutin si Misuari sa ilalim ng batas habang umuusad ang usapang pangkapayapaan.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno