Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ipinabatid ng PAGASA na posibleng maging ganap na bagyo ang naturang LPA na pinakahuling namataan sa mahigit 2,000 kilometro silangan ng Mindanao.
Bagamat malayo pa, sinabi ng PAGASA na mahigpit nilang binabantayan ang LPA na posibleng pumasok na ng bansa.
Samantala, lumakas pa ang umiiral na northeast monsoon o hanging amihan at ngayo’y nakakaapekto na sa Northern at Central Luzon.
Dahil dito, ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley at mga lalawigan ng Ilocos at Aurora ay makakaranas ng isolated rainshowers.
—-