Kontrolado na ang naganap na panic buying ng mga Pinoy sa Hong Kong.
Ito ang kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong na wala nang nagaganap na panic buying dahil nagkaroon na ng suplay ng mga pagkain sa mga grocery store sa nasabing bansa.
Ayon kay Elsie Aquino, Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong, muli silang nabuhayan dahil natugunan ng gobyerno ang kakulangan ng suplay ng pagkain sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
Samantala, sa kabila naman ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit, patuloy na gumagawa ng paraan ang Hong Kong government para matugunan ang pangangailangan ng mga COVID-19 patient. —sa panulat ni Angelica Doctolero