Inihayag ng mga eksperto na ang paninigarilyo ang pinakamasamang bisyo para sa kalusugan ng isang tao.
Ayon sa mga eksperto, sa usok palang ng sigarilyo ay sinisira na nito ang ating mga ugat at nagpapasikip sa mga ugat ng ating mga puso dahilan para baguhin nito ang ating maayos na paghinga.
Tumataas din ang ating presyon at maaapektuhan nito ang mga ugat sa ibat-ibang bahagi ng ating mga katawan tulad ng utak, baga, bato o kidney maging ang pulso.
Ang sigarilyo ay nagtataglay ng mataas na lebel ng nicotine na isang kemikal na may nakakaengganyong epekto sa ating mga utak dahilan kaya nahihirapan ang isang tao na ihinto ito.
Marami namang makukuhang benepisyo kung ito ay ating ihihinto, isa na dito ang mahabang buhay dahil gaganda ang ating kalusugan at maiiwasan din nito ang ibat-ibang klase ng sakit sa ating katawan.
Makakatipid kadin ito sa gastos at lalakas ang ating puso, utak at bato dahil magiging maganda na ang daloy ng ating mga dugo. —sa panulat ni Angelica Doctolero