“Bawal manigarilyo sa mga sementeryo”.
Ito ang paalala ng awtoridad sa publiko kasabay ng paggunita ng Undas.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), papatawan ng limangdaan hanggang limang libong piso ang sinumang lalabag at mahuhuli na maninigarilyo sa loob ng mga sementeryo.
Mayroon na rin ang lahat ng Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila ng anti-smoking ordinances sa mga pampublikong lugar.
Bumuo ang Metro Manila LGUs ng kanilang smoke-free task forces upang siguruhing nasusunod ang smoke-free policies.
Samantala, nag-abiso ang MMDA maging ang Department of Health (DOH), sa mga bibisita sa mga sementeryo na mag-ingat at sumunod sa COVID-19 minimum health protocols.
previous post