Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na iwasan ang paninigarilyo sa mga pampublikong sementeryo at memorial park sa pagdiriwang ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.
Ayon kay MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III, lahat ng LGU sa NCR ay mayroong ordinansa na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Inatasan naman ang mga binuong smoke-free task forces para masigurong nasusunod ang mga anti-smoking ordinances.
Pagmumultahin naman ng P500 hanggang P5,000 ang mga mahuhuling lalabag sa naturang batas. —mula sa panulat ni Hannah Oledan