Pinuri ni Japanese Prime Minister Suga Yoshihide ang gobyerno ng Pilipinas sa paninindigan nito sa 2016 arbitral ruling sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito nang pag-uusap nina suga at Pangulong Rodrigo Duterte na una nang naggiit ng nasabing paninindigan sa 75th united nations general assembly high level general debate noong nakalipas na taon.
Sinabi ng palasyo na hinangaan ng Punong Ministro ng Japan ang anito’y maprinsipyong posisyon ng Pangulong Duterte sa arbitral ruling pabor sa Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo Sa West Philippine Sea.
Binigyang diin ng Pangulo sa Japanese official ang kahalagahan ng kooperasyon para maisulong ang maritime domain awareness, maritime security and safety, Jalayaan sa paglalayag at maritime connectivity and commerce.
Ipinaabot din ng Pangulo kay suga ang pangangailangang lutasin sa mapayapang pag uusap ang gusto sa wps upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa Asia Pacific Region.
Nagkasundo naman sina Pangulong Duterte at suga na magtulungan para matiyak ang seguridad at katatagan sa rehiyon nang naaayon sa rule of law.