Ikinalugod ni Senador Grace Poe ang ruling ng Korte Suprema makaraan nitong pagtibayin ang inisyu nitong temporary restraining order (TRO) laban sa cancellation ng COMELEC sa kanyang certificate of candidacy.
Ayon kay Poe, pinalakas nito ang kanyang paninindigan na kuwalipikado siyang tumakbo sa presidential elections sa Mayo.
Aniya, maganda itong development hindi lamang sa kanyang kaso kundi maging sa kanyang mga supporters at sa ating demokrasya.
Kaugnay nito, tiniyak ni Poe na tuloy ang kanyang laban.
Chiz
Nagpasalamat naman ang running mate ni Senador Grace Poe sa mga mahistrado ng Korte Suprema makaraang 12 sa mga ito ang bomoto sa pag-uphold sa TRO.
Ayon kay Senador Chiz Escudero, mananatili sa official ballot ang pangalan ni Poe bilang presidential candidate, sa kabila ng mga ginagawang pagsusumikap na ito ay maipa-disqualify sa presidential race.
Sinabi pa ni Escudero na umaasa siya na itataguyod o ia-uphold ng Korte Suprema ang batas at matagal ng jurisprudence kapag nagpasya ito sa iba pang petisyon may kaugnayan sa kandidatura ni Poe.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)