Pinayagan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga airline companies na maningil ng mas mataas na fuel surcharge na sisimulan sa susunod na buwan.
Ayon sa CAB, ito ay dahil sa mataas na presyo ng jet fuel kung saan, ang fuel surcharge ay ipinapatong ng mga airline company sa base fare ticket ng mga biyahero upang mabawi ang kanilang gastos.
Dahil dito, posibleng pumalo sa P355 ang singil sa kada pasahero sa one-way fare sa maikling ruta habang aabot naman sa P1,038 ang presyo sa kada pasahero sa one-way fare sa kada rutang may layong aabot sa 1,000 kilometro.
Sa susunod na buwan, papayagan naman ng CAB ang P507 na singil sa kada pasahero sa one-way ticket para sa mga rutang nasa 201 hanggang 400 kilometers habang nasa P1,172 hanggang P8,714 naman ang dagdag-singil sa mga biyahe abroad.