Posibleng i-delay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paniningil sa 520 pesos na bayad sa pagkuha ng adjusted fare matrix.
Ito’y dahil kakaunti pa lamang ang bilang ng mga PUV operator na nakakuha na ng taripa.
Sa kasalukuyan, nasa 6% pa lamang ng 250,000 target PUVs ang nakakapaningil ng bagong minimum fare.
Sinabi ni LTFRB Officer In Charge Riza Marie Paches na nauunawaan nila ang hirap na nararanasan ng mga drayber at operator sa pagbabayad ng naturang compliance cost.
Aniya, kinakailangang magbayad ang mga tsuper at operator ng 520 pesos access fee kada prangkisa at 50 pesos naman sa kada unit para makakuha ng bagong taripa.