Sinuspinde muna ang paniningil ng takeoff at landing fee sa mga local airlines na apektado ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) scare.
Inatasan ni Transportation secretary Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) na i-wave na muna ang takeoff, landing at maging ang parking fees na binabayaran ng local airlines.
Malaki-laki na rin kasi anya ang nawalang kita ng mga airlines dahil sa mga travel ban dahil sa COVID-19.
Napag-alamang umaabot sa P58-milyon kada buwan ang nasisingil sa landing, takeoff at parking fees ng local carriers.
Hindi naman nabanggit ni Tugade kung hanggang kailan ipatutupad ang suspensyon sa paniningil.