Sisimulan na ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ang paniningil ng kaukulang bayarin sa mga gun owners para sa kanilang license to own and possess firearms .
Ito’y alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang bagong batas na kumokontrol sa pagmamay-ari ng baril ng isang indibiduwal.
Ayon kay Senior Supt. Elmo Francis Sarona, pinuno ng Firearms and Explosives Office ng PNP, lumagda na sila ng kontrata sa Landbank of the Philippines para tanggapin at iproseso ang mga bayarin sa LTOPF Program.
Sa mga humahawak ng type 1 license, kinakailangang magbayad ng P1,000 para makapagmay-ari ng dalawang rehistradong armas, P2,000 piso naman para sa mga humahawak ng type 2 license para makapagmay-ari naman ng limang rehistradong armas.
Tatlong libong piso (P3,000) naman ang kinakailangang bayaran ng mga type 3 license holder para sa 10 rehistradong armas habang P5,000 piso naman ang dapat bayaran ng isang type 5 license holder para sa 15 rehistradong armas.
Habang P10,000 piso ang dapat bayaran ng isang type 5 license holder na nagmamay-ari ng 15 o humigit pang mga armas.
By Jaymark Dagala