Idinepensa ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na sisihin nito ang dating administrasyon sa isyu ng militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Cayetano, tila muling na-misinterpret ng mga tao ang naging pahayag ni Pangulong Duterte.
Aniya, ang tinutukoy ni Pangulong Duterte ay ang kawalan ng aksyon ni Dating Pangulong Noynoy Aquino para mapigilan ang paglalagay ng military base ng China sa West Philippine Sea at hindi aniya ang eksaktong araw na lumabas ang arbitral ruling.
Iginiit pa ni Cayetano, malinaw na ang mga umaatake sa pangulo sa usapin ng West Philippine Sea ay ang mga dating opisyal at advocates na malapit sa Aquino administration.
Paliwanag pa ng kalihim, ang paglalagay ng missile syatme ng China sa tatlong bahura sa West Philippine Sea ay nag-uugat sa mas malawak na usapin ng geopolitics lalo’t may mga base ang Estados Unidos sa Japan, South Korea, Pilipinas at Taiwan.