Umalma si Senator Bongbong Marcos sa paninisi ni Pangulong Benigno Aquino III sa dalawang senador sa di pagkaka-apruba ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sinabi ni Marcos na dapat may magpaliwanag sa Pangulo na ang BBL ay local acquisition kayat di uubrang pagbotahan sa senado hanggat walang naita-transmit sa kanila ang Kamara ng approved version.
Ganito rin ang naunang pahayag ni Senador Juan Ponce Enrile hinggil sa panukalang BBL.
Bagamat hindi binanggit kung sino ang dalawang senador na sinisi ni PNoy hinihinalang sina Enrile at Marcos ang mga ito.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)