Binalikan ni Minority Leader Franklin Drilon ang Kongreso matapos isisi sa Senado ang nangyayaring aberya ngayon sa Southeast Asian (SEA) Games.
Una nang sinisi ni House Speaker Alan Peter Cayetano at 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero si Drilon dahil ipinanukala umano ng Senador na bawasan ang budget para sa SEA Games at ilipat ito sa Philipine Sports Commission (PSC).
Ayon kay Drilon, ang Kamara ang siyang nahuli ng tinatayang 55 araw sa orihinal na target date para isumite ang panukalang 2019 budget.
Hindi rin aniya posible ang sinasabing delay dahil tatlo lamang ang minorya sa Senado at hindi sapat ang kanilang bilang para pigilan ang pagpasa ng budget.
Matatandaang iba’t-ibang aberya ang kinakaharap ngayon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee partikular ang reklamo sa transporation, accomodation at maging mga pagkain ng mga atleta.