Hinihintay ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang magiging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa polisiya ng mandatory na pagsusuot ng Face Shield.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, wala pang pormal na kautusan ang IATF hinggil sa nasabing usapin kaya’t tuloy pa rin sila sa paninita sa mga lalabag.
Batay sa umiiral na guidelines, kailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga enclose spaces tulad ng Malls, Opisina, Simbahan at mga pampublikong transportasyon.
Dahil dito, bukod sa paninita ay pagmumultahin din ang mga makikitang hindi nagsusuot ng face shield depende sa pinaiiral na ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.
Pero paalala ni Eleazar sa mga pulis, huwag mananakit ng mga lumalabag sa quarantine protocols sa halip ay mamahagi ng face mask o face shield kung kinakailangan. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)