Tiyak umanong ibabasura lamang ni Senadora Grace Poe ang panliligaw ng Liberal Party (LP) na tumakbong Vice President ng standard bearer na si DILG Secretary Mar Roxas.
Ito, ayon kay Senador Serge Osmeña ay dahil malinaw na tatakbong independent candidate si Poe sa 2016 elections.
Sinabi pa ni Osmeña na hinihikayat ng LP si Poe na maging running mate ni Roxas para mapataas ang posibilidad na manalo ang DILG Secretary.
Naniniwala si Osmeña na makatutulong kay Roxas kung magdedesisyon na hindi na tumakbo si Poe dahil tiyak na mapupunta sa kalihim ang boto ng karamihan ng tagasuporta ng Senadora.
By Meann Tanbio