Inilabas na ang unang pasilip sa pinakabagong horror movie mula sa Star Cinema, ang ‘The Ghost Bride’ na pagbibidahan ni Kim Chiu.
Sesentro ang kuwento ng pelikula sa karakter ni Kim na mula sa isang mahirap na pamilya at napilitang magpakasal sa isang taong patay na.
Mula ito sa isang Chinese superstition kung saan sa ilang parte ng China naniniwala silang malas para sa isang lalaki na mamatay na hindi nakakapag-asawa kung kaya’t ang mga pamilya nito ay naghahanap at nagbabayad para makahanap ng ‘brides’ o babaeng papakasalan ng taong sumakabilang-buhay na.
Sa direksyon ni Chito S. Roño na nasa likod ng ilang horror classics kagaya ng ‘Feng Shui’, ay nakatakdang ilabas ang pelikula sa mga sinehan ngayong Nobyembre, napapanahon para sa paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa.
Makakasama ni Kim sa pelikula si Alice Dixson na sinabing isang dream come true project ang pelikula.