Tiwala ang militar na masusukol sa Jolo Sulu ang mga nasa likod ng pagpapasabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral.
Ayon kay Col. Gerry Besana, Spokesman ng Western Mindanao Command, wala nang lalabasan ang mga salarin dahil sa ipinatupad na lockdown sa Sulu.
Sinabi ni Besana na matagal na ring naghahasik ng lagim sa Jolo ang Ajang-Ajang Group na konektado sa Abu Sayyaf.
Sa tulong aniya ng komunidad na mas mapapabilis ang pagdakip sa mga suspek dahil kilalang kilala naman sila sa Jolo.
Una nang inilabas ni Besana ang CCTV footage kung saan makikita ang sinasabing mga suspect na tila mga teenagers pa lamang.
PANOORIN:
Videos mula sa CCTV footage na nakuha ng AFP Wesmincom may kaugnayan sa mga person of interest sa Jolo cathedral blasts | via @jaymarkdagala : AFP Wesmincom pic.twitter.com/gYrIAReMVc— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 29, 2019
PANOORIN:
Isa pang video mula sa CCTV footage na nakuha ng militar may kaugnayan sa mga person of interest sa Jolo cathedral blasts | via @jaymarkdagala : AFP Wesmincom pic.twitter.com/dZHyqWmGNn— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 29, 2019
—-