Emosyunal na ibinahagi ng dating ‘Pinoy Big Brother (PBB)’ housemate na si Wil Dasovich sa isang video na siya ay ‘cancer – free’ na.
Sa ipinost [post] na video ni Wil nitong Biyernes, Pebrero 2, makikita ang ‘tears of joy’ nito kasama ang pamilya.
Ginamit din ng popular na vlogger ang kanyang kahanga-hangang kwento para magbigay ng payo para sa mga taong nakararanas ng kapareho ng kanyang pinagdaanan.
Life is filled with ups and downs and part of living is finding a way to surpass as many obstacles thrown on your course.
If you find a path with no obstacles, it probably doesn’t lead anywhere.
We all have our own challenges ahead of us but its how you respond to these challenges that will define.
Nagpasalamat naman si Wil sa mga taong naging parte ng kanyang paglalakbay na aniya’y naging makapangyarihang motibasyon niya para malampasan ito.
Matatandaang sa isang video din ibinahagi ni Wil na na-diagnosed siya sa sakit at umani ito ng ‘words of encouragement’ hindi lamang sa mga kapwa artista kundi pati na sa mga netizen.
Dumaan din ang binata sa 9-cycles ng chemotherapy at sumailalim sa isang surgery sa loob ng halos isang linggo noong nakaraang buwan.