Kinumpirma ng WESMINCOM o Western Mindanao Command ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang pagkakasawi ng apat (4) na bandidong Abu Sayyaf sa dalawang (2) magkakahiwalay na bakbakan noong Sabado sa bayan ng Sumisip sa lalawigan ng Basilan.
Ayon kay Capt. Joan Petinglay, tagapagsalita ng WESMINCOM, nangyari ang unang bakbakan sa Barangay Upper Benengbengan noong hapon ng Sabado na sinundan naman sa Barangay Cabcaban noong gabi ng nasabing araw.
Maliban sa pagkakapatay sa apat (4) na bandido, sinabi ni Petinglay na nakubkob din ng mga sundalo ang isang pansamantalang kuta ng mga bandido sa lugar.
Mariin din namang itinanggi ni Petinglay na may mga sundalo na nasawi sa nasabing engkwentro sa mga bandido taliwas sa mga naunang lumabas na balita.
By Jaymark Dagala
Kuta ng Abu Sayyaf sa Basilan nakubkob ng militar; 4 patay was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882