Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang ipagbawal ang mga sale sa mga mall tuwing weekdays ngayong holiday season.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager (AGM) for Planning Ret. Gen. Jose Campo, layon ng naturang plano na mapaluwag ang trapik lalo na ngayong ‘ber’ months.
Kasama rin sa hihilingin ng MMDA ay i-adjust ng mga mall operators ang kanilang operation hours ngayong pasko tulad nuong mga nakalipas na taon.
Kung masimunalan na, gagawing 11am ang bukas ng mall sa metro manila habang 11pm hanggang 5am lamang ng umaga maaaring makapag deliver ang mga supplier ng mall.