Nagbabala si dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Rodolfo Salalima na posibleng hindi umubra na gamitin pansamantala ng gobyerno ang dating frequencies ng ABS-CBN para sa distance learning.
Ito’y matapos imungkahi ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte na gamitin muna ito sa pag-aaral ng mga bata.
Ngunit ayon kay Salalima, hindi ito magiging praktikal sa gobyerno, mas mabuti aniya kung ang ABS-CBN pa rin ang magpapatakbo nito at babayaran na lang ang oras na gagamitin para sa distance learning.
Maliban ditto, kwestyunable rin ang kakayahan aniya ng gobyerno para makapagbroadcast nang buong araw sa loob nang isang linggo.
Mungkahi pa ni Salalima, maaari rin namang kunin ng gobyerno ang ilang dating empleyado ng ABS-CBN para makatuwang sa operasyon nito ngunit asahan umano na karagdagang gastos din ito.