Hiniling sa Korte Suprema ng mahigit 20 political prisoners na mapalaya sila pansamantala.
Nangangamba ang 23 may sakit, matatanda, at buntis na political prisoners na nasa masisikip na bilangguan na mahawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa kanilang petisyon, sinabi ng mga political prisoners na kinabibilangan ni National Democratic Front (NDF) consultant Vicente Ladlad na maituturing na virtual death sentence ang karanasan nila sa loob habang nananalasa ang COVID-19.
Kabilang sa respondents sa nasabing petisyon sina DILG Secretary Eduardo Año, Justice Secretary Menardo Guevarra, BJMP chief Allan Iral, Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at anim na iba pang jail and prison.