Nakahandang sundin ng Department of Transportation (DOTr) ang panukalang pansamantalang ihinto muna ang operasyon ng Metro Rail Transit o MRT – 3.
Gayunman binigyang – diin ni Transportation Undersecretary for rails Cesar Chavez na sa ngayon ay nanatili pa rin na “reliable” ang MRT – 3 sa kabila ng sunod – sunod na aberya nito kamakailan.
Samantala, kasalukuyan naman aniyang sumasailalim sa procurement procedures ang DOTr para sa mga spare parts ng tren at patuloy pa rin ang paghahanap nito ng magiging maintenance provider.
Nauna dito, sinabi ni Chavez na seryosong ikinukonsidera na rin ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang temporary shutdown ng MRT – 3.