Imposibleng ipatigil pansamantala ang operasyon ng Metro Rail Transit o MRT – 3.
Ito ang tugon ni Mike Capati, Director for Operations ng MRT, hinggil sa suhestyon ni Senador Grace Poe na dapat nang mag – desisyon ang MRT – 3 officials kung ititigil muna ang operasyon upang ayusin ang mga technical problem ng mga bagon.
Ayon kay Capati, tiyak na mas malaking problema ang kahaharapin ng libu – libong commuter ng MRT – 3 kapag itinigil pansamantala ang operasyon nito.
Matatandaang muling nakaranas ng aberya ang MRT – 3, kung saan kumalas at naiwan ang isa sa mga bagon kaya’t naglakad na naman sa riles ang mga pasahero.
Ating butihing Senadora, meron ho kaming aksyon at proposal ang management na gagawin namin na babanggitin namin later on to address that, kasi napaka-hirap po noh?
Gustuhin man po namin na i-total shutdown ang MRT… malaking abala sa buong publiko ang mangyayari pero meron kaming mga mitigation measures na gagawin para rin… ma-enhance natin ‘yung serbisyo at the same time walang maku-kumprimisong safety ng mananakay.
Samantala, binawasan na ng MRT – 3 ang kanilang operating hours upang magbigay daan para sa mas mahabang oras ng maintenance sa gitna ng sunud – sunod na technical problem.
Ayon kay Capati, simula ngayong Huwebes ay aagahan na ang biyahe ng tren upang magkaroon ng karagdagang kalahating oras para sa maintenance.
Magtatapos naman ang biyahe 10:30 ng gabi, sa halip na 11:00.
Again, ‘yung maximum na 15 trains in a given time operational hours po, from 5:00 AM to 5:30 na po.
Actually, we will still coordinate kasi meron tayong… arrangement with MMDA regarding the during pick hours, ‘yung ating P2P, so, we will ask their assistance.
Kaya lang po natin ginagawa ‘to is para po magkaroon tayo ng mas mahabang oras para rebisahin ang ating mga tren… more time and at the same time din po may mga oras na makakapagpahinga ‘yung ibang tren.
Sa kabila ng panibagong aberya kung saan kumalas ang bagon, tiniyak muli ni Capati na ligtas sakyan ang MRT – 3 kahit luma na ang karamihan sa kanilang tren.
For additional security we will provide Rail Marshalls to enhance. Lahat ho ng tren na inilalabas po are still functional.