Pansamantalang puputulin ang serbisyo ng mobile phone networks bilang seguridad sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 38th Masskara Festival sa Bacolod ngayong araw.
Inaasahan na magbibigay ng talumpati ang pangulo at makikisaya sa makukulay na pagtatanghal ng mga kalahok sa naturang festival
Pakiki-isa at pag intindi naman ang ipinanawagan ng task force masskara sa publiko.
Bukod pa rito nag deploy din ng aabot sa 4,775 na security personnel kabilang na ang mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).