Dadaan sa masusing pag-aaral kung kinakailangan bang ipasara ang Metro Rail Transit o MRT-3 para lang mai-ayos na ang mga aberyang nararanasan dito.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos tanungin ni Senadora Grace Poe ang Department of Transportation o DOTr kung kailangan na bang pansamantalang itigil ang operasyon ng MRT dahil sa sunod-sunod na problema nito.
Paliwanag ni Roque hindi madaling isapinal ang desisyon kaugnay sa pagpapasara ng MRT dahil sa dami ng pasaherong umaasa sa naturang mass transport system.
Tiniyak naman ni Roque na hindi nagpapabaya ang DOTr sa maintenance ng MRT upang masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay nito.