Mananatiling ‘option’ para sa Philippine National Police (PNP) ang pansamantalang pagtanggal kay PNP NCRPO Chief Major General Debold Sinas.
Ayon ito kay PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac.
Gayunman, sa ngayon anya ay nananatili muna sa kanyang posisyon si Sinas kahit pa nahaharap ito sa imbestigasyon dahil sa kanyang birthday celebration na tila hindi na obserbahan ang social distancing.
Nauna nang sinabi ni PNP Internal Affairs Service Inspector General Attorney Alfegar Triambulo na hindi mare-relieve sa kanyang posisyon si Sinas habang isinasagawa nila ang imbestigasyon.
Hindi naman anya maikaka ila na maganda ang naging performance ni Sinas lalo na sa panahong nape-pressure ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga panuntunan sa enhanced community quarantine.