Bubusisiin ng Kamara ang sitwasyon ngayon ng pananalapi ng Social Security System (SSS).
Ito’y matapos maaprubahan ang panukala na pansamantalang suspensyon ng contribution hike ng SSS members ngayong taon.
Layon ng house resolution 1563 na malaman ang tunay na kondisyon ng social security program na maaaring mangailangan ng agarang pagtugon ng kongreso.
Sa pamamagitan aniya nito mareremedyuhan at mas mapapatatag ang financial condition ng SSS.