Iminungkahi ni Rizal second district representative Fidel Nograles na pansamantalang suspendihin ang mga kailangan sa pagbibiyahe kaugnay sa COVID-19 sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette.
Paliwanag ni Nograles, batid niyang patuloy ang banta ng COVID-19 sa bansa, ngunit dapat aniyang luwagan ang ilang patakaran upang mabilis na maihatid ang tulong mula sa gobyerno at pribadong sector, gayundin upang mas madali na makamusta ng ilang mga kaanak at kaibigan ang mga apektado ng bagyo.
Magugunitang, wala pa ring maayos na linya ng komunikasyon ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao.–-mula sa ulat ni Tina Nolasco sa panulat ni Airiam Sancho