Karamihan sa atin, mayroong dream wedding. Ang iba, gumagastos pa ng ilang daang libo upang matupad ito.
Ngunit ang magkasintahang ito, simple lang ang naging kasal.
Sa mga larawang nag-viral online, mapapansin ang simpleng dekorasyon sa kanilang reception na dinaluhan ng ilang kapamilya at kapitbahay.
Ang kanilang handa? Pansit bihon, kanin, kamoteng kahoy, at soft drinks.
Dahil sa kasal na ito, napaiyak na lamang ang bride.
Ayon sa ulat, matagal nang magkasintahan ang bagong kasal. Naghintay umano ng 12 years ang bride bago ito matuloy.
At dahil natupad na ang kanyang pangarap na maiharap sa dambana ng kanyang pinakamamahal, hindi napigilan ng babae na maging emosyonal sa sobrang kaligayahan.
Naging masaya rin ang mga bisita sa kanilang dinaluhang kasal dahil kahit hindi engrande ang handa, umuwi naman silang busog.
Naging paalala ang kwentong ito sa atin na hindi naman kailangan sa kasal ang paggastos nang malaki dahil ang pinakamahalagang aspeto ng pag-iisang dibdib ay hindi ang marangyang handaan o magarbong dekorasyon, kundi ang taos-pusong pagmamahalan, pagtanggap, at pagpapahalaga sa isa’t isa.